bona fide art-ista
...when all else fails, would you be brave to see right through me.
friendster ... mail ... photobucket
You can access this blog through destined.to/kenneth or through kenutz.braveblog.com
Alam ko namang may mumu, syempre naman. Meron dun sa Educ, sa lobby. Lalabas na lang yun pag nakakita siya ng bibiktimahin. Sa AS sus, ang dami. Lakad ka lang ng mga alas-otso ng gabi, titindigan ka na ng buhok. Pero di ko talaga inakala na pati pala DST, mayroon din.
Kasi ganito yon.
Hapon non, daming tao. May mga aplikanteng kinukupal at, akalain mo, may nangungupal din. Ang saya: tawanan, kainan, bluff-bluffan ang gawa ng lahat. Tipikal. Nasa tabi lang ako, nahihiya. Natatakot kasi, parang pagtitripan ka na lang basta basta. Pwede ngayon, maya-maya kaya, pwedeng pagkatapos ng bluff nila. Kaya nakamukmok na lang ako, naghihintay at nakatunganga.
Nakita ko siya.
Sabi ko, huh? Ano yon?! May tao doon eh bakit hindi makiupo dito sa loob ng tambayan at makipag-bluff-bluffan? Ayaw ba niya ng bluff-bluffan? Chikahan na lang, tungkol kay ano, kay kuwan, yung tsismis kay ano, kesyo ganon daw, ay gay-un nga?!
Hindi, ayaw niya.
Pareho pala kami, naiilang. Sabi ko magakakasundo kami. Sabi ko, magiging friend ko siya. Magiging friend ko siya...
Tanghaling tapat, napadaan na naman ako DST. Konti lang ang tao. Ambanas. Dami ng tao sa CASAA. Uy, dumaan crush ko. OO, may crush ako! Klasmeyt kami sa ano. Palagi ko siyang tinititigan. Nakakbaliw. Shet, naglalaway na ako. Crush na crush ko siya.
Nakita ko ulit yung mumu.
Nakatingin din siya sa malayo. May sinusundan siya. Siya kaya na naglalakad puntang CASAA? Hindi, mukhang jologs. Siya kaya na may hawak na gitara na mukhang exhorsist/ punk/ gangsta/ whatevah? Hindi, mas mukhang jologs.
Shet.
Nakatingin siya sa crush ko.
Amputa, mang-aagaw ng crush.
Okay lang, crush lang yon, share na lang kami. Inisip ko, magiging friends kami. Magiging friends kami...
Inutusan akong magtapon ng basura, yung pinagkainan nila. Todo ngiti naman ako, kasi gusto ko naman talagang mautusan. Type na type kong magbanat ng buto. Pinaghiwa-hiwalay ko pa yung nabubulok sa di nabubulok. Ultimo tissue, di nakaligtas sa paghihiwalay. Pagbalik ko, nakaupo yung mumu sa tabi ni ate ano, sinisilip yung laman ng logbook. Medyo natigilan ako. Ako lang pala ang nakakakita sa mumu. Sosyal ako, makapangyarihan. Next level ako, may superpowers.
Hindi ko kinakausap yung mumu, hinahayaan ko na lang siya. Mukha namang masaya ang Kalilayan habang ginagawa ni mumu ang mga kababalaghan niya. Ok na yon sa akin, wala namang nagkakasakitan. Hindi niya balak wasakin ang org. Mabait siyang multo.
Pero alam ko ang pangalan niya.
Minsan nakita kong nagsulat siya sa logbook. Sosyal ang mumu mo, de-sulat-sulat pa sa logbook, feeling close. Ang mahiwaga dito, ako lang ang nakakakita. Wow, gifted child pala ako, pwede na akong mag-shift sa MBB. Hindi, mag-dodouble major ako: MBB at BAA! Pangit ang sulat ni mumu kaya medyo matagal bago ko ito nabasa. Kinilatis ko, sinuri, pinag-ikut-ikot, nilasap, sinubo, nginuya at saka nilumod. Eto pala ang gusto niyang sabihin:
"Huwag kang matakot, hindi ako totoo..."
--Pangamba
Batch 04-B
For that, batchmates pala kami.